Photo Credit: The Reader View of Wikipedia
Upang mas maayos na mapangasiwaan ang Department of Agriculture (DA) at Department of Agrarian Reform (DAR), isinusulong ni Sen. Francis Pangilinan na pagsamahin ang dalawang ahensiya.
Ito ay kasunod sa pagbanggit ni Sen. Pangilinan sa mungkahi ni Sen. Franklin Drilon kaugnay sa lupa na hanggang ngayon ay hindi pa rin naipamahagi ng pamahalaan makalipas ang 40 taon.
Layunin nito ay upang mas matuunan ng pansin ang mga serbisyo para sa mga magsasaka at mangingisda.
Ayon sa datos ng Office to the Agrarian Reform Secretary, 8, 383 lamang sa kabuuang 10, 209 ang napagtuunan ng pansin ng ahensiya habang 9, 093 naman sa kabuuang 12, 604 ang sa DA.