Mas matatag at matibay ang COVID-19 response ng bansa sa mga nakalipas na buwan dahil sa pakikipagtulungan ng iba’t ibang ahensya at sektor ng bansa.
Ito ang ipinahayag ni Department of Health Sec. Francisco Duque III sa regular media forum ng kagawaran. “Sa mga nakalipas na buwan, kaakibat ng pakikipag-ugnayan at koordinasyon ng gobyerno, pribadong sektor at iba pang mga grupo, ang ating COVID-19 response ay mas matatag at mas matibay.”
Ani Duque, ito ay kung ikukumpara noong nag-uumpisa pa lang ang bansa sa pakikipaglaban sa COVID-19 pandemic kung saan kapansin-pansin umano ang pagbaba ng kaso ng COVID-19 sa bansa. Aniya, dahil na rin ito sa patuloy na pagpapa-alala sa mga mamamayan sa pagsunod sa mga minimum public health standard upang maiwasan ang pagkalat ng naturang virus.