BUMABABA na ang bilang ng mga taong nagpopositibo sa COVID-19 sa Metro Manila ayon sa pinaka huling report ng OCTA Research Group.
Ayon sa research group, patuloy na bumababa ang naitatalang kaso ng COVID-19 sa National Capital Region (NCR) at ang average number ng mga bagong kaso na lamang sa Metro Manila ay nasa 490 kada araw.
Sinabi rin ng mga grupo na binubuo ng mga researcher mula sa University of the Philippines, University of Santo Tomas at Providence College sa Amerika na patuloy ding bumababa ang kaso ng COVID-19 sa Pilipinas sa kabila ng pagsasagawang muli ng Philippine Red Cross ng testing. Sa ngayon, ang average na bilang ng bagong kaso sa bansa ay bumaba sa 1,800 kumpara sa 2,500 noong buwan ng Agusto.