INIHAYAG ni Vice President Leni Robredo na aabot sa labingsiyam na bansa ang naging matagumpay sa laban kontra COVID-19 kahit wala pang bakuna.
Ang mga bansang ito ay Taiwan, Thailand, Vietnam, Laos, China, Myanmar, Malaysia, New Zealand, Uganda, Togo, Pakistan, Latvia, Luxembourg, Uruguay, South Korea, Finland, Cuba, at Rwanda.
Ani Robredo ang pag-aaral na ito ay inilathala ng isang medical journal.
Matatandaang, binweltahan ni Pangulong Duterte si Robredo matapos magkomento nito na dapat mas mainam pa ang ginawa ng gobyerno sa laban kontra COVID-19.
Bukod pa rito, sinabi rin ngayon si Robredo na dapat magkaroon na lamang ng periodic assessment kaysa aniya sa pagpapalawig pa hanggang sa susunod na taon ang state of calamity.
Bagay na sinagot ng Malakanyang na ito ay kanilang ginagawa nang regular.