Photo Credit: Wikimedia Commons
Hindi maitatala bilang pinakahuling pandemya ang COVID-19 kung hindi mareresolba ang problema sa climate change at animal welfare.
Ito ang pahayag ni WHO Chief Tedros Adhanom Ghebreyesus sa naganap na International Day of Epidemic Preparedness.
Aniya, dapat ay matuto na tayo sa pandemya na nagdaan, ‘wag lang basta magpondo nang magpondo sa mga outbreak at basta na lamang kalimutan kapag natapos na ang pandemya bagkus dapat ay maghanda para sa mga susunod pa.
Dagdag pa niya, nakikita niya na ang susunod na pandemya ay nalalapit na.
Samantala, nanawagan din si Chief Ghebreyesus sa lahat ng mga bansa na dapat ay maghanda sa pagprevent at pagdetect sa lahat ng klase ng emergency, bukod dito ay nanawagan din siya na pagtibayin ang primary health care provision.