Photo Credit: Wikimedia Commons
Sinang-Ayunan ng Department of Health (DOH) ang pahayag ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte patungkol sa sinabi nitong hindi na nakakatakot ang COVID-19 dahil may bakuna na.
Dagdag pa ng DOH, hindi naman talaga dapat kinatatakutan ang COVID-19 lalo na ngayong nag-anunsiyo ang Pfizer tungkol sa pag-aaral nito sa bakuna.
Sa kabilang banda, pinaalalahanan ng ahensya ang mga mamamayan na huwag pa rin magkumpiyansa, bagkus maging handa, alerto at sumunod pa rin sa health protocols.