Kilala ang copper bilang malambot na metal, ngunit alam mo ba na isa ang copper cookware sa pinakapatok na gamit sa kusina?
Kahit na higit na mahal ang copper cookware at high maintenance, paborito itong gamit ng mga propesyonal na cook at maging mga home cook.
Halimbawa, ang executive chef ng kilalang Claridge’s sa London na si Martyn Nail ay gumagamit ng copper cookware.
“At Claridge’s today we cook a lot with stainless steel pans but, for me, there is nothing quite like cooking with a copper pan,” wika ni Nail sa The Independent.
“An induction range was installed in the kitchen a few years ago but I insisted on keeping one metal plate so that we can continue to use the copper pans for consommé and poaching whole salmon,”dagdag nito.
Sa nakaraang 100 taon, copper cookware ang gamit sa mga hotel, restaurant at sa mga bahay-bahay.
Mayroong koleksyon ng mahigit na 1,000 copperware collection sa kusina ng Petworth House sa West Sussex, na ngayon ay isa ng pag-aari ng National Trust.
Mula noong 19th century, ang copper cookware, mula stock pots hanggang sauté pans at jelly moulds, ay ginagamit sa Petworth upang magluto ng hanggang 100 pagkain araw-araw. Tinuturing nga ang copper cookware bilang “kitchen workhorse.”
Dahil sa hindi matatawarang heat conductivity ng copper, naging paboritong gamit ito sa kusina. Ang lutuan na copper ay kayang uminit sa isang iglap at mabilis ding mawala sa oras na patayin ang apoy. Kaya naman, madali itong na-ko-kontrol ng mga nagluluto. Kapag naalagaan ng tama, maaari rin itong tumagal at maipasa pa sa susunod na henerasyon.
“The copper pots at Claridge’s are particularly special as some of them were actually used by Escoffier and go back to the late 1890s so they have really stood the test of time,” dagdag ni Nail.
Maituturing na isang magandang investment sa kusina ang copper cookware. Sa tamang paggamit at pag-aalaga, maaari itong magamit ng matagal at maipasa sa iyong mga anak.