Automatic at touchless! Ganito na ngayon ang proseso ng temperature checking sa MRT-3 matapos makapaglagay ang pamunuan ng mga bagong stand-alone contactless temperature scanners sa lahat ng istasyon nito.
Ayon sa MRT-3 management, 15 stand-alone temperature scanners ang nailagay sa mga designated areas ng mga istasyon.
May nakatalaga rin anila ditong MRT-3 personnel na siyang nagtitiyak na hindi tataas sa 37.8°C ang temperatura ng mga pasahero.
Sinabi ng MRT-3 na dahil hindi na handheld ang device na gamit sa pagkuha ng temperatura, mas less contact na rin sa isa’t isa ang mga pasahero at sa MRT-3 personnel.
Ang hakbang ay bahagi ng pagsuporta ng MRT-3 sa adhikain ng Department of Transportation (DOTr) sa pagkakaroon ng contactless at mas mabilis na contact tracing system sa mga pampublikong sasakyan.