Inilunsad ng Hong Kong ang mandatoryong contact tracing app na tinawag na “leave home safe”.
Ang naturang app ay para sa mga lugar na pangunahing pinagmumulan ng bagong cluster ng coronavirus.
Ayon sa mga awtoridad sa kalusugan, kabilang ang restaurants, gyms, hotels, cinemas, at mahjong parlor sa mga venue na kailangang magpakita ng QR code na konektado sa app ng gobyerno.
Ang bagong tracing app na ito ay inilunsad matapos na nakapagtala ang Hong Kong ng walumpung panibagong kaso ng coronavirus na nauugnay sa isang dance club.
Ito na ang pinakamalaking outbreak mula nang magsimula ang krisis pangkalusugan noong buwan ng Enero.
Ang naturang app ay nakatutulong upang mapadali ang pagtukoy sa mga lugar na binibisita at mabigyan ang app holder ng abiso kung ang isang carrier ng virus ay nagmula sa lugar na iyon.