Photo Credit: Facebook
Depende kung may pagbabagong makikita sa Kapamilya Network para mabigyan ulit ito ng prangkisa.
Ito ang naging pahayag ni Cong. Rodante Marcoleta kaugnay sa mga ulat kamakailan lang na nag-aaplay ulit ng panibagong prangkisa ang ABS-CBN.
Ani Cong. Marcoleta, kahit sa dinami-dami ng mga paglabag nito, kung makikita naman na may pagbabago, mukhang mabibigyan naman ulit ito ng tsansa lalo na kung mag-iba ang management ng network at aayusin ang mga problema.
Ang paglilinaw lang ni Cong. Marcoleta kung sakaling mag-iba man ang management ng ABS-CBN, matatagalan pa rin ang pagpasa ng bagong prangkisa dahil hihimayin ulit nila ang mga natitirang mga problema kaugnay sa network. Matatatandaang si Cong. Marcoleta ang isa sa mga kongresista na kumakalaban sa renewal ng prangkisa ng ABS-CBN dahil sa sandamakmak na paglabag ng network.