Aarestuhin ang lahat ng lalabag sa mga ipinatutupad na minimum health protocols sa bansa ayon kay Department of the Interior and Local Government o DILG Undersecretary Martin Diño.
Itoy matapos ipinag-utos na muli ang pagpapatupad ng istriktong health protocols laban sa COVID-19 bunsod na rin sa biglaang pagtaas ng kaso ng virus sa bansa.
“Pinaghandaan natin itong nakaraang mga linggo, talagang this time, pababalikin uli natin yung pinakamatinding world health protocols. Papaaresto na namin yung hindi nagpi-faceshield, facemasks, lahat ng nasa protocols lalong-lalo na sa Metro Manila. Kung hindi sila makapagbayad sa itinatakda nating penalties ipag-community service natin sila.”
Ani Diño, sa first offense ay 1,000 pesos ang multa; second offense ay 3,000 pesos at 5,000 pesos naman para sa third offense.
Bahala na rin aniya magpatupad ang mga lokal ng pamahalaan ng karagdagang multa sa lahat ng lalabag sa ipinatupad na minimum health standards gaya na lang ng community services.