Pormal nang inanunsyo ng Department of Public Works and Highways (DPWH), na tapos na ang konstruksyon ng coastal road sa lungsod ng Sorsogon.
Ayon kay Public Works and Highways Secretary Mark Villar, ang coastal road na ito ay nasa 5.52 kilometer at itinuturing nilang “grandest” sa lahat ng “Build Build Build” project na mayroon ang Bicol Region.
Layunin ng tulay na ito na mabawasan ang trapiko sa lungsod at mapadali ang pag-export at pag-import ng mga produkto mula sa mga kalapit na lugar.
Mapipigilan din nito ang pagtaas ng tubig sa oras ng malakas na ulan at proteksyon sa hagupit ng bagyo.
Samantala, nag-umpisa ang coastal road mula sa Rompeolas o Sorsogon baywalk hanggang sa Barangay Balogo.