Hindi dapat lalagpas sa sampung katao ang kasama sa Christmas party sa National Capital Region (NCR) at iba pang lugar na nasa ilalim ng General Community Quarantine (GCQ).
Ayon kay IATF Co-Chair Karlo Nograles, batay ito sa inaprubahang guidelines ng Department of Health (DOH).
Sa mga lugar naman na nasa modified GCQ, dapat aniya ay hindi lalagpas sa 50 percent capacity ng venue ang kasama sa party.
Samantala, sinabi ni Nograles na kung maaari ay well ventilated ang lugar at magsuot ng mask.
Paalala rin aniya ng ahensya na kung kakain ay kung maaari ay iwasan ang buffet style at dapat ay may kanyang-kanyang gamit sa pagkain gaya ng plato, utensils at baso.