KINUKONSIDERA ng Metro Manila Council (MMC) ang pagpapahintulot sa mga Christmas bazaar at night market sa huling quarter ng taon.
Ayon kay MMDA General Manager Jojo Garcia, bagaman hindi pa opisyal na napagpupulungan ng MMC ay kinukonsidera nila ito basta’t masusunod pa rin ang minimum health standard sa lugar na pagdarausan.
Paliwanag ni Garcia, susuportahan ng MMC ang anumang maaring makatulong sa ekonomiya ng bansa nang hindi kinokompromiso ang kalusugan ng publiko. Ang mga sales at tiangge naman aniya ay pinapayagan rin basta’t may maayos na koordinasyon sa Department of the Interior and Local Government (DILG).