Hindi makakalahok sa darating na Tokyo Olympics ang 100-meter world champion na si Christian Coleman.
Ito ay matapos na patawan ang American sprinter ng two-year ban ng Athletics Integrity Unit (AIU).
Ayon sa AIU, hindi sumipot si Coleman sa tatlong three drug tests na itinakda sa loob ng isang taon.
Ang bawat atleta ay kailangang sumailalim sa mandatory test upang matiyak na hindi gumagamit ang mga ito ng illegal performance-enhancing drugs.
Kaugnay nito, nakatakda namang umapela si Coleman sa Court of Arbitration for Sport sa naturang desisyon ng AIU. Nakatakda namang gaganapin ang 2020 Summer Olympics o mas kilala bilang Tokyo Olympics sa July 23 sa susunod na taon.