IPATUTUPAD na ng Department of Transportation ang 100 cashless transaction sa lahat ng toll expressway simula Nobyembre 2, 2020.
Kasunod ito ng utos ni Transportation Secretary Arthur Tugade na mag-shift sa cashless transaction ngayong lumalaban pa rin ang bansa sa COVID-19 pandemic.
Inutusan naman ni Tugade ang Toll Regulatory Board, LTFRB, at LTO na bumuo ng mga proseso at guidelines para maging maayos ang transition sa cashless transaction.
Ipatutupad na ang 100% cashless transaction sa pamamagitan ng electronic tags o iba pang cashless payment gaya ng Radio-Frequency Identification (RFID).