Pormal na inanunsyo ng Big Hit Entertainment sa pamamagitan ng isang liham na mag-hihiatus muna si BTS member Suga dahil katatapos lamang nitong sumailalim sa surgery.
Batay sa pahayag ni Suga nagpapasalamat siya sa mga fans na lubos na nag-alala sa kanya pero nalulungkot din siya dahil hindi muna siya makakasali sa mga upcoming activities ng grupo.
Dagdag pa ni Suga na mas ikabubuti niya rin ito dahil habang tumatagal ay hindi niya na nakakayanan ang sakit at para maganda rin ang kalusugan niya pag pumasok na siya sa Army.
Gayunpaman, naintindihan naman ng fans ang kalagayan ng artist at sabi pa ng mga Army na “we’ll always wait for you.”