Nananawagan ang Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) sa publiko kaugnay sa ipinakakalat na bagong itsura ng dalawampung piso na barya.
Sa abiso ng BSP, sinabi nito na hindi sila nag-isyu ng brilliant uncirculated 20-peso coin. Nagpaalala ang ahensya na mag-ingat sa mga online seller na nagbebenta ng naturang barya.
Ang new generation currency ng bente pesos na coin ay inilabas ng BSP noon pang Disyembre 2019. Hanggang noong Agosto 2020, sinabi ng ahensya na umabot na sa 2.09 milyong piraso ng 20-peso coin ang kanilang nailabas sa sirkulasyon na aabot sa 41.85 milyong piso ang halaga.