Naglabas na ng teaser o patikim ang isang Thailand-based television production at ang talent agent na GMMTV sa gagawin nilang remake ng “Boys Over Flower”.
Isang Japanese Shōjo Manga series ang “Boys Over Flower” na sulat at guhit ni Yoko Kamio.
Matatandaan na una itong sumikat bilang isang Korean drama na ginanapan ni Lee Min-Ho.
Magugunita rin na ang unang TV series adoption nito ay ginawa sa Taiwan, ang “Meteor Garden” noong 2001 at ang hindi malilimutang “F4” na bumihag sa puso ng karamihan.
Samantala, ang Thailand remake ng nasabing series ay nakatakdang ipalabas sa darating na 2021.