NAGBUKAS na ng sariling medical clinic sa loob ng Ninoy Aquino International Airport (NAIA) ang Bureau of Customs (BOC).
Ito ay para matugunan ang kinakailangang atensyong pang- medical ng mga BOC-NAIA frontlines sa gitna ng pandemya. Magsisilbi itong lead health response unit ng ahensya sa paliparan. Ayon sa BOC, ang pagtatayo ng medical clinic ay bilang sukli na rin sa pagsisikap at sakripisyo ng Customs employees sa NAIA na patuloy ang pagserbisyo sa kabila ng banta ng virus.