Nakatanggap ng mga papuri at paghanga ang main dancer ng girl group na si Blackpink Lisa Manoban dahil siya lang naman ang napili sa pagiging 1st female K-pop idol global ambassador ng Mac Cosmetics.
Kilala ang Mac Cosmetics na isang global brand ng mga make up.
Pinakabagay umano na maging new face ng Mac si Lisa dahil lagi itong confident sa pagiging siya ayon kay Mac Cosmetics Senior Vice President and Global Creative Director Drew Elliot.
Nagpaabot naman ng pagkasabik ang naturang kumpanya sa magiging collaboration ng brand sa Korean K-pop idol.
Labis ang kaligayahan at pasasalamat ang nadarama ni Lisa sa pagkakataon na ibinigay sa kanya ng naturang brand.