Nalagpasan ng Bureau of Internal Revenue (BIR) ang target na koleksyon nito sa buwis noong 2020 sa kabila ng mga hamon bunsod ng COVID-19 pandemic.
Sa isang pahayag, sinabi ni BIR Commissioner Caesar Dulay na pumalo sa P1.94-trilyon ang nakolekta nito noong nakaraang taon dahilan para malagpasan ang kanilang target na P1.69 trilyon.
Ayon kay Dulay, mas mataas ng 15.14 percent o 255.19 bilyong piso ang nakolekta ng BIR noong Enero hanggang Disyembre 2020.
Sinabi ni Dulay na ito ang unang pagkakataon na lumagpas ang BIR sa kanilang 15 percent na target sa nakalipas na dalawang dekada.