REHISTRADO na bilang bagong samahan ang binuong grupo ng mga dating CPP-NPA, makaraang tanggapin ang kanilang certificate mula sa Department of Labor and Employment (DOLE).
Ang grupong bagong Pag-asa Farmer Association ay binubuo ng mga dating miyembro ng Damayan ng Mamamayan Laban sa Kaapihan at Kahirapan na binuo ng grupong CPP-NPA.
Itinalang bilang bagong samahan ang grupo simula nang mamuhay ang mga ito malayo sa ugnayan sa makaliwang grupo, ayon pa kay 84th IB Commanding Officer Lt/Col. Honorato Pascual Jr.
Dahilan nito, mabubuksan na para sa kanila ang maraming oportunidad at benepisyong maaring makamit mula sa mga programa ng gobyerno.
Pahayag ni Pascual mananatili na aalalay ang mga sundalo sa naturang samahan upang patuloy na mailayo sa impluwensya at masamang dulot ng CPP-NPA.