Opisyal nang inanunsyo ng TV5 na magiging Kapatid na si Billy Crawford mula sa pagiging Kapamilya sa halos labindalawang taon.
“It’s for my family.” Ang naging pahayag ni Billy kaugnay sa kanyang desisyong lumipat ng TV5.
Mayroon na kaagad na nakaabang na proyekto si Billy na pormal na mag-uumpisa sa October 24, ang “Masked Singer Pilipinas”.
Magugunita na bagong silang pa lamang si Baby Amari at bilang isang ama nais ni Billy na maibigay ang lahat sa kanyang anak at asawa.
Samantala, inulan naman ng pagbati at suporta si Billy sa kabila nang naging desisyon.