KUMITA ng mahigit isang milyong dolyar ang hollywood star na si Bella Thorne sa online paid subscription na OnlyFans sa loob lamang ng isang araw.
Ang OnlyFans ay isang sikat na adult subscription platform na nagbibigay ng pagkakataon sa mga fans na makakita ng never-before-seen photos at videos ng mga artista o indibidwal.
Agosto a-14 lamang nang sumali ang aktres sa nasabing platform kungsaan agad itong nakakuha ng libu-libong subscription.
Si Bella ang kauna-unahang indibidwal na kumita ng 1 milyon sa OnlyFans sa loob lamang ng 24 oras.