Excited na ang mga K-drama lovers sa Filipino remake ng isa sa Korean hit film na “A Moment To Remember.”
Gaganap dito sina Bea Alonzo bilang si Son Ye Jin na siya ring female lead ng “Crash Landing On You” at Alden Richards naman bilang si Jung Woo Sung.
Matatandaan na hindi ito ang kauna-unahang Filipino adaptation ng isang Korean movie/series, nauna na ang “Descendants of the Sun” na ginanapan nina Jenelyn Mercado at Dingdong Dantes, at Miracle in Cell No.7 na ginanapan naman nila Aga Muhlach, Bela Padilla, at Xia Vigor.
Sa pagkakataong ito, tuwang tuwa ang mga fans dahil alam nila kung gaano kaganda ang palabas.
Samantala, joint venture ang proyekto ito ng GMA at Viva, at ayon sa ulat, uumpisahan na ang shooting sa darating na Enero sa susunod na taon.