Photo Credit: Sen. Bong Go FB Page
Ang 2020 ay maitatala sa kasaysayan ng sangkatauhan bilang kakaibang taon dahil sa bigat ng mga pagsubok na hinarap ng buong mundo. At kabilang ang Pilipinas sa mga bansang talaga namang nag-struggle sa taong ito.
Enero pa lang ay binati na ang Pinas ng pagsabog ng Bulkang Taal sa Batangas, kung saan libo-libong mga pamilya ang nawalan ng tirahan at kabuhayan dahil sa abong ibinuga ng nagngangalit na bulkan. Ilang linggo lamang ay sinundan na ito ng pagputok ng COVID-19 pandemic, na nagsimula sa Wuhan, China. Hanggang ngayon ay binabata ng mga Pinoy ang kahirapan sa kalusugan at ekonomiya, na hindi huhupa hangga’t wala pa ang bakuna sa bansa.
At sa huling bahagi ng 2020, binayo naman ang bansa, lalo na ang Luzon, ng magkakasunod ng bagyo. Base sa report ng National Disaster Risk Reduction and Management Council mahigit 12 bilyon ang kabuuang halaga ng nasira sa ari-arian at kabuhayan ng mga nagdaang bagyo na Quinta, Ulysses at Rolly.
Tinawag ni Cagayan Governor Manuel Mamba na “worst floodings” sa kanyang 15 taong panunungkulan ang nangyaring pagbaha sa kanyang probinsya na dulot ng Bagyong Ulysses. Tinatayang nasa 40,000 ang mga naapektuhang residente at 10,000 ang mga nailikas. Samantalang ang Isabela naman ay idineklarang under State of Calamity ni Governor Rodito Albano dahil din sa matinding pagbaha, bagay na kanilang pinaghandaan naman umano pero hindi naging sapat.
Masasabi na talagang masalimuot para sa mga Pinoy ang taong 2020. Pero sa isang banda, may positibong mga bagay pa rin naman na makikita. Wika nga ng henyo na si Albert Einstein, “in the midst of every crisis, lies great opportunity.” Sa gitna ng crisis na ating mga pinagdadaanan, may mga mabubuting pagkakataon naman na nagbukas—kabilang dito ang maipamalas ang ating katatagan at pagtutulungan.
BAYANIHAN SPIRIT
Kasaysayan ang makakapagpatunay na hindi napatitinag ang resiliency o katatagan ng mga Pilipino ano mang unos ang dumaan sa buhay. Sa mga bagyong nagdaan kamakailan ay muli na namang namayani ang bayanihan spirit para matulungan ang mga nangangailangan.
Sa pangunguna ng mga rescue team ng pamahalaan na pinangungunahan naman ng military at police at mga humanitarian organization at civic group gaya ng Red Cross, Rotary at iba pa.
Mayroon din mga individual na nagkusang loob na tumulong sa pagkatanto na ‘very challenging’ talaga para sa awtoridad na marating agad ang mga biktima ng bagyo. Kabilang sa mga mabubuting loob na ito ang aktor na si Jericho Rosales at ang kanyang misis na si Kim Jones. Gamit ang kanilang surf boards, sinaklolohan ng mag-asawa ang mga na-stranded na kapwa residente ng Marikina.
Hindi rin naman nagpahuli ang mga Pinoy netizen sa bansa at sa ibayong dagat sa pagbibigay ng tulong. Gamit ang social media, iba’t-ibang mga grupo ang nag-initiate ng mga fundraising campaigns at online charity events para makalikom ng pondong pang-ayuda sa mga apektadong komunidad.
“Social media is a powerful tool to collate and collaborate…. I think a lot of people want to volunteer, but are limited right now due to the typhoon and the COVID-19 pandemic,” wika ni Mark Jacinto, ng YouthRisePH, isang grupo ng mga estudyante na tumutulong sa mga biktima ng bagyo.
Maging ang mga bayaning frontliners ay kasama rin sa pagbibigay-tulong. Ang grupong Doctors Without Borders / Médecins Sans Frontières (MSF) ay tumungo sa mga area na nasalanta ng bagyong Rolly at Ulysses.
“The MSF team launched its response on 24 November in San Miguel, one of the four municipalities considered in the response. Together with Municipal Health Offices health workers, MSF doctors and nurses provided medical supplies for outreach activities in the most affected villages. The team started the distribution of aqua tabs for water purification and jerry cans to store drinking water for around 2500 families,” wika ni Dr. Hana Badando, emergency team leader in Virac, Catanduanes.
Bukod sa libreng serbisyong medikal, ang MSF team ay nagpamigay din ng water containers, COVID-19 prevention kits (may laman na two washable face masks, hand sanitizer at one face shield per person), training on infection prevention and control, at donasyon na personal protective equipment (PPE) para sa mga evacuation center staff.
“In an evacuation center, it’s especially important to maintain hygiene and social distancing measures to prevent outbreaks. Health staff and evacuees have a significant role to play in achieving IPC goals,” sabi ni Allen Borja, isang MSF nurse sa Albay.
Photo Credit: VP Leni Robredo Page
KAILANGAN MAY MANAGOT PA RIN
Tunay na kahanga-hanga ang katatagan ng bayanihan spirit at katatagan ng mga Pinoy sa gitna ng kalamidad. Subali’t kaalinsabay nito, may ilan na nananawagan na sana ay huwag lang hayaan ng mga nasa kapangyarihan na laging nagtitiis at nagpapakatatag ang taong bayan sa tuwing may sakuna. Kanilang hiling na sana ay magkaroon ng epektibong aksyon para di na mangyari ang malawakang delubyong nagdudulot ng matinding kahirapan at kamatayan.
“Can we stop with ‘we survived Pinatubo, we survived Ondoy, we will survive this’? YOU survived it. Many people did not. You are not the world. Stop romanticizing Pinoy resilience. People need help. Donate through the various channels you can search for online,” tweet ng indie filmmaker na si Kip Oebanda.
Para naman sa photojournalist na si Alanah Torralba, sa gitna ng appreciation sa katatagan ng Pinoy, ‘wag sanang kalimutan na papanagutin ang mga taong naging dahilan ng paniningil ng kalikasan.
Ayon sa photojournalist na si Alanah Torralba, patungkol sa pagwasak ng super bagyong “Yolanda” sa Visayas noong 2013:
“As a journalist, I have been harboring a discomfort with the mainstream representation of the so-called resilience. Those in power have long abused the Filipino’s resiliency. Our ability to withstand adversity should not preclude us from demanding accountability,” wika pa ng photojournalist.
Photo Credit: Vp Leni Robredo FB Page
GOV’T ACTION
Samantala, siniguro ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte na gagawin lahat ng pamahalaan para matulungang makabangon muli ang mga nasalanta ng mga nagdaang bagyo.
As President I guarantee you that your government will do its best to provide assistance in the form of shelters, relief goods, financial aid and post-disaster counseling. Rest assured, the government will not leave anybody behind. We will get through this crisis. I assure you as one nation let us all hold on and help one another,” wika ng Chief Executive. Naglabas na ang Department of Social Welfare and Development ng paunang PHP100 milyon para sa emergency shelter assistance at PHP23 milyon para sa Cash-for-Work Program sa mga nasalanta ng bagyo.