LARAWAN MULA SA FACEBOOK OF SEN. JOEL VILLANUEVA
MAY nakalaan na pondo sa Bayanihan 2 para sa Micro, Small and Medium Enterprises (MSMEs) na maaring gamitin upang makapagbigay ng 13th month pay sa mga manggagawa.
Ito ang inihayag ni Committee on Labor and Employment Chair Sen. Joel Villanueva, kasunod ng pangamba ng ilang maliliit na negosyo na hindi makapagbigay ng 13th month pay.
Ayon kay Villanueva, sa ilalim ng Bayanihan 2, aabot sa 39.47 bilyong piso ang inilaan para sa mga government financial institutions upang makatulong sa mga enterprises.
Sa nasabing halaga, 10 bilyong piso dito ay partikular na nakalaan para sa small business corporations at MSMEs.
Ani Villanueva, ito ang maaring gamiting subsidiya o pautang sa mga maliliit na negosyo upang masiguro na makatatanggap ang lahat ng manggagawa ng kanilang 13th month pay.