• Skip to primary navigation
  • Skip to main content
  • Skip to footer
  • #
  • Home
  • Digital Archive
  • Advertise with Us
  • About Us
  • Contact Us
  • April 19, 2021

Pinas USA

The Filipino's Global Newspaper

  • Cover Stories
  • National
  • Feature
  • Fil-Am
  • Foreign
  • Opinion
  • Sonspeak
  • Health
  • Lifestyle
  • Sports
  • Showbiz
  • Fun Page
You are here: Home / Feature / Basic Mountaineering Tips para sa Unang Pagsabak sa Bundok
Feature

Basic Mountaineering Tips para sa Unang Pagsabak sa Bundok

Editorial Team1 year ago

KARAMIHAN sa mga gustong makalayo mula sa stress at pressure na dulot ng buhay lungsod ay pinipiling mapalapit sa kalikasan sa pamamagitan ng pag-akyat ng bundok.

Sa Pilipinas, mountaineer ang tawag sa taong gumagawa nito bilang isang libangan.

Ang sinumang nagpaplanong sumabak dito ay pinapayuhan na sumailalim muna sa isang Basic Mountaineering Course (BMC) bago mag-umpisa upang maging pamilyar sa mga dapat at hindi dapat gawin kapag nagtetrekking.

Tinuturo dito ang mga tamang klase ng pisikal na pagsasanay at mahahalagang kakayahan na kinakailangan matutunan upang malampasan ang iba’t ibang hamon na makakaharap sa pag-akyat ng bundok, pati na rin ang mga tamang tuntunin at etiketa sa pag-akyat, at mga prinsipyong “Huwag magiiwan ng bakas” na napakahalaga upang makatulong na mabawasan ang masasamang epekto sa kapaligiran.

Ang isa pang benepisyo sa pagkuha ng BMC ay ang pagkakaroon ng pagkakataon na makatrabaho at matuto mula sa mga propesyonal na mang-aakyat na gabundok na ang kaalaman at karanasan base sa ilang taon nilang paggawa nito.

May ilang mountaineering club na nag-aalok ng pangisang araw lamang na kurso na hindi kabigatan sa oras, at meron din namang iba katulad ng sa UP Mountaineers na ang tinuturo ay karaniwang tumatagal ng mga tatlo hanggang apat na buwan bago makumpleto.

Kahit na ano paman ang piliin ay siguradong malaki ang maitutulong nito upang maayos na maisagawa ang napipintong pag-akyat. At kahit na sino ay maaaring gawin ito, kahit na ang pinakawalang karanasan, ngunit hindi nangangahulugan na ito ay magiging madali.

PAGHAHANDA SA UNANG PAG-AKYAT

KALUSUGAN. Siguraduhin na nasa tamang kondisyon ang katawan bago subukang umakyat. Simulang mag-ehersisyo ilang linggo bago umakyat upang maihanda ang sarili. Ilan sa mga maaaring gawin ay ang pagjojoging ng mga tatlo hanggang apat na araw sa isang linggo, paglalakad ng hindi bababa sa 20 minutes sa isang araw, at ang pag-akyat at baba sa hagdan habang may suot na mabigat na backpack upang makondisyon ang mga binti, pati na rin ang mga balikat at likod. Para naman maisanay ang mga baga, isang magandang ehersisyo ay ang pagsiswimming.

DESTINASYON. Mahalagang umakyat muna sa mas mabababang bundok upang subukan ang kalakasan at kakayahan ng katawan. Magumpisa sa isang minor climb na hindi nangangailangan ng gaanong puwersa upang maabot ang tuktok. Ang minor climb ay maisasagawa sa loob lamang ng isang araw, na kadalasang tumatagal ng limang oras o mas mababa pa mula sa jump-off point, na siyang lokasyon sa paanan ng bundok kung saan magsisimula, hanggang sa maabot ang tuktok nito. Halimbawa rito ay ang Mount Samat na matatagpuan sa Pilar, Bataan, Mount Batulao sa Nasugbo, Batangas, Mount Maculot in Cuenca, Batangas at marami pang iba.

Kapag nasanay na ay maaari nang gawin ang isang major climb na umaabot ng dalawang araw o mahigit pa bago ito matapos. Isa sa halimbawa rito ay ang Mount Apo sa Davao, Mount Mayon sa Bicol, Mount Makiling sa Los Banos, Laguna at iba pa.

Magsagawa ng mga pagsasaliksik kung ano ang nababagay base sa personal na panlasa, kagustuhan at kakayahan para sa mas maganda at di makakalimutang karanasan.

PANAHON. Alamin ang kasalukuyang sitwasyon ng panahon. Kung may parating na bagyo, maaaring ipagpaliban muna ang pag-akyat at pumili ng isang mas ligtas na oras. Pinakamagandang umakyat sa panahon ng tag-init dahil bukod sa hindi madulas, hindi rin matatabunan ang ganda ng tanawin at kapaligiran.

KASUOTAN. Iwasan ang paggamit ng maiitim at matitingkad na kulay na sumisipsip lalo sa init ng araw bagkus ay piliin ang mga pastel o puti para sa mas maaliwalas na paglalakad.

Mainam na magsuot ng mga damit na gawa sa polyester o dri-fit na tela dahil sa ang mga ganitong uri ay nagbibigaydaan na makasingaw ang pawis sa halip na sipsipin ito na maaaring makapagdulot ng sakit kagaya ng Hypothermia.

Sa mga malalamig na bundok katulad ng Mt. Pulag, gumamit ng isang dri-fit na damit bilang paunang layer bago ang mga jacket at windbreaker.

Palaging maging handa sa biglaang pagbabago ng panahon. Magdala ng isang waterproof na jacket o isang poncho kahit pa sa taginit upang mapanatiling tuyo ang sarili at kagamitan kapag umulan nang hindi inaasahan. Ilagay ito sa pinakamadaling maabot na bulsa ng bag, upang mabilis itong makuha bago pa tuluyang mabasa. Ang windbreaker ay mahalaga kapag umakyat kung saan ang simoy mula sa summit ay maaaring nagyeyelo, kagaya ng sa Mount Apo.

Maaari ring mamuhunan sa isang magandang pares ng sapatos na pang-trekking. Hindi tulad ng iba, ang mga sapatos na pang-trekking ay gas na mga lupain.

KAGAMITAN. Sa pagpili ng bag, sapat na ang may kalagitnaang laki o isang ordinaryong backpack para sa isang minor climb. Ngunit sa mas mahahabang akyatan na tatagal ng 12-48 na oras, kakailanganin ang isang mas mataas na klase ng backpack na maaaring suportahan ng mabuti ang likuran kagaya ng isang ergonomic backpack na pantay-pantay na ikinakalat ang timbang sa likuran, upang hindi mapuwersa ng sobra ang mga kalamnan.

Panatilihin na magaan ang backpack na dadalhin. Bukod sa mga damit, sapatos, at jacket, ang ilan pang mga bagay na hindi kailangang makaligtaan ay tubig na aabot ng dalawa hanggang tatlong litro, first-aid kit, guwantes, at lubid o duct tape na isang magandang alternatibo sa lubid. Magbaon din ng mga pagkain na madaling lutuin kagaya ng mga de-lata at noodles at ang mga pwedeng kainin habang naglalakad kagaya ng protein bars, tsokolate, mani at iba pa na maaari ring magpalakas ng enerhiya kapag kinakailangan. Bukod pa rito, magdala ng dagdag na damit at tuwalya sa mukha. Huwag kakalimutan ang mga proteksyon sa sinag ng araw kagaya ng sunblock, sumbrero, shades, lip balm at iba pa. At huwag ding ipagsasawalang bahala ang pagdadala ng bag ng basura.

Umarkila ng isang lokal na gabay o sinumang may sapat ng karanasan at kaalaman sa pag-akyat ng isang partikular na bundok upang maiwasan mawala o maligaw, at upang mabawasan ang iba pang mga panganib na maaaring kasangkutan, maliban na lamang kung ikaw ay sanay na at may kakayahan ng protektahan at iligtas ang sarili. Dagdag pa rito, huwag aakyat sa bundok at tutungo sa mga kakahuyan nang hindi maayos na nagpapaalam sa ibang tao, upang agad na masaklolohan kapag may nangyaring hindi inaasahan.

Feature Mountaineering

SUBSCRIBE TO PINAS USA — THE FILIPINO’S GLOBAL NEWSPAPER

To receive a digital copy of new PINAS USA issues, enter your name and email address below and click on the Subscribe button.

Latest News

Bakuna kontra COVID-19, nandito na
Quincy Joel V. Cahilig 1 month ago
Pagsumite ng authentication ng mga dokumento sa DFA, maari na sa online
Vic Tahud 1 month ago
Catching up with Ms. Lorli Villanueva
Editorial Team 1 month ago
Taiwan, maaaring sakupin ng China sa susunod na 6 na taon
Kriztell Austria 1 month ago
Pangalagaan at palakasin ang iyong isipan at mentalidad
Jane Trinidad 1 month ago
Optismitikong partner sa buhay, nakatutulong sa kalusugan ng katipan
Jonnalyn Cortez 1 month ago
Pangungutang ng ABS-CBN sa DBP, pasok sa plunder law — Rep. Defensor
Vhal Divinagracia 1 month ago
From exile to the halls of power
Perry Diaz 1 month ago
Misamis Oriental, nakatanggap ng 2-M ayuda para sa mga apektado ng ASF
Vic Tahud 1 month ago
TV host Piers Morgan, tuluyan nang umalis sa Good Morning Britain
Claire Hecita 1 month ago
The Absolute Glorification (Part 6)
Pastor Apollo C. Quiboloy 1 month ago
Yuka Saso, itinanghal bilang Athlete of the Year
Luis James 1 month ago

Thoughts? Add a comment below

Footer

PINAS USA - The Filipino's Global Newspaper
Address: 14533 Vanowen St., Suite B, Van Nuys, CA 91405
Phone: (909) 534-5465
Email: [email protected]

Quick Links

  • About Pinas USA
  • Advertise with Us
  • Digital Archive
  • Contact Us
  • Terms of Use and Privacy Policy

News Categories

  • Cover Stories
  • Feature
  • Fil-Am News
  • Foreign
  • Fun Page
  • Health
  • Lifestyle
  • National
  • Opinion
  • Showbiz
  • Sonspeak
  • Sports

News Archives

  • March 2021
  • February 2021
  • January 2021
  • December 2020
  • November 2020
  • October 2020
  • September 2020
  • March 2020
  • February 2020

Tags

2021 Budget Anti-Terrorism COVID-19 CPP-NPA-NDF DENR Department of Agriculture Disaster Response DOH DOJ DOLE Donald Trump DOT DOTr DPWH DSWD DTI Dubai Duterte Administration Economy FDA Good Vibes IATF Japan Joe Biden Leni Robredo LGU LTO Metro News NAIA NBA NDRRMC OFW PBA PhilHealth Philippines Tourism PNP Provincial News PRRD South China Sulu Twin Bombings Technology Thailand United Kingdom West Philippine Sea WHO

Copyright © 2021 · Pinas USA — The Filipino's Global Newspaper · All Rights Reserved · Website Developed by NorthZen Media