NAGPAPASALAMAT si Manila Mayor Isko Moreno sa rehabitasyon ng national government sa Manila Bay.
Nakahihikayat umano ito sa mga turista maging sa mga business investor sa lungsod ng Maynila.
Dagdag pa ng alkalde na ang pinagandang Manila Bay ay magandang regalo para sa mga susunod na henerasyon kung saan ay masisilayan at mararanasan nilang muli ang ganda nito.
Kaugnay nito, nagpahayag naman ng pagnanais ang alkalde na paglaanan ng pondo ng gobyerno para sa preservation ng karagatan. Ngunit nauunawaan naman nito na nakatutok ang pamahalaan sa problema ng pandemya.