• Skip to primary navigation
  • Skip to main content
  • Skip to footer
  • #
  • Home
  • Digital Archive
  • Advertise with Us
  • About Us
  • Contact Us
  • April 20, 2021

Pinas USA

The Filipino's Global Newspaper

  • Cover Stories
  • National
  • Feature
  • Fil-Am
  • Foreign
  • Opinion
  • Sonspeak
  • Health
  • Lifestyle
  • Sports
  • Showbiz
  • Fun Page
You are here: Home / Sports / Bagong henerasyon, parehong bandila
Sports

Bagong henerasyon, parehong bandila

Eugene B Flores6 months ago

Sa bawat yugtong nagtatapos ay may sumisibol na simula. Sa lilim nang mahusay na pag-aaruga tiyak ang tayog sa pagtanda.

Taas noo ang mga Filipino sa usapang pampalakasan, lalo na sa boksing. Ngunit, hindi lamang sa pangalang Manny Pacquiao at Nonito Donaire nagtatapos ang listahan na maaring ipagmalaki. Patuloy na hahaba ang listahan na siyang maipagmamalaki ng mga kasunod na henerasyon.

Marahil ay malinaw na sa karamihan na nalalapit na ang pagtatapos ng karera ng dalawang Pilipinong buong tapang na winagayway ang bandera ng Pilipinas sa loob ng ilang dekada.

Si Pacquiao, na tutungtong na sa edad na 42 ngayong Disyembre ay lalong lalapit sa dulo, gayundin si Donaire na magdiriwang ng kaniyang ika-38 kaarawan sa Nobyembre.

Ngunit huwag mabahala dahil labis ang naging ambag ng mga ito na siyang naging motibasyon ng mga bagong mandirigma upang magpursige at gumawa ng sariling pangalan.

Ito ay sina Johnriel Casimero, Mark Magsayo at Jerwin Ancajas.

Photo Credit: Sky Sports

Tatak quadro alas

Si Casimero ang pinakamainit na boksingero sa Pilipinas ngayon dahil sa kaniyang anim na sunod na panalo. Kakabit nito ay ang kaniyang tatlong world title belts na siyang nilalagay sa gitna sa bawat laban.

Kamakailan ay matagumpay niyang nadepensahan ang kaniyang WBO Bantamweight belt kontra Duke Micah matapos ang isang ikatlong round na technical knockout.

Inilabas ng tubong Ormoc, Leyte ang kaniyang pagkadismaya sa labang ito at muling nagpatutsada sa Hapon na si Naoya Inoue.

Ang dalawa ay inaasahang maglaban ngunit naudlot ang negosasyon kung kaya’t matapos manalo ay muling hinamon ng Pinoy ang tinaguriang Japanese monster.

Kung iraranggo, pumapangalawa sa kasalukuyan si Casimero bilang pinakamagaling na Filipinong boksingerong aktibo pa.

Sa edad na 30, mayroon na siyang tatlong world title belts at maaaring madagdagan pa.

Nasa rurok ng karera si Casimero kung kaya’t ang mga parating nitong laban ay napakahalaga upang mas mapatibay ang pundasyon ng kaniyang pangalan.

Sa ilalim din ng Manny Pacquiao Promotions ay natitiyak na mailalabas nito ang buong potensyal habang patuloy na umaakyat.

Photo Credit: Digital Journal

Magnifico futuro

Kung si Casimero ay dinaranas na ang tamis ng tagumpay, si Mark Magsayo ay nakatuon sa liwanag na hinaharap sa propesyunal na mundo.

Bagama’t hindi pa nagiging kampeon, tiwala si Magsayo at ang MP promotions na ilang laban na lamang ang kailangan nito upang makaharap ang kampeon sa featherweight division.

Sa kasalukuyan ay wala pang talo ang 25-anyos na Pinoy. Mayroon na itong 21 laban at ang 14 dito ay knockouts. Malakas ang kamao ni Magsayo kung kaya’t inani niya ang bansag na Magnifico na nangangahulugang malakas at nakakatakot.

Ngunit ang mas nakakatakot na parte rito ay naging trainer na ni Magsayo si Freddie Roach sa katatapos nitong laban.

Si Roach ay isang legendary trainer na siyang kasama ni Pacquiao upang makamit ang mga tagumpay sa boksing, isa na rito ang pagiging eight-division world champion.

Samantala, si Magsayo kaya ang magiging Pacquiao 2.0? Natatangi si Magsayo dahil siya ay nasa featherweight division at kasalukuyang ika-lima sa pinakamahusay.

Bagama’t ayon kay Roach ay may mga nakikita pa siyang dapat mapahusay ni Magsayo, tiwala ito na tama ang landas na tinatahak ng tubong Tagbilaran City, Bohol.

Walong taong gulang pa lamang ay nahilig na sa boksing si Magsayo. Nagpursige siya at tumungtong sa amateur rank kung saan naging four-time amateur boxing champion siya. Dalawang beses din siyang tinaguriang “Best Boxer.”

Photo Credit: Boxing Scene

Pretty Boy, pretty much

Ang isa pang Filipino boxer na binabandera ang watawat ng Pilipinas sa lupain ng mga banyaga ay si Jerwin ‘Pretty Boy’ Ancajas.

Si Ancajas ay ang IBF Super Flyweight champion at ang ika-apat na pinakamahusay sa dibisyon ayon sa The Ring Magazine.

Sa edad na 28 ay mayroon itong 32 propesyunal na panalo, 22 ay knockout, isang talo at dalawang draw.

Katulad ni Casimero at Magsayo ay tuloy-tuloy ang panalo rito. Natamo niya ang unang pagkabigo noong 2012 at simula roon ay tanging panalo nalang ang itinabi niya sa kaniyang pangalan.

Katulad ni Magsayo, maagang ipinakilala ang boksing kay Ancajas. Nakitaan agad siya ng potensyal at minsan na itong nakakamit ng ginto sa Palarong Pambansa. Matapos ang matagumpay na amateur career, (90-5 win-loss record) tinanggap niyang maging propesyunal na boksingero sa edad na 17.

Malaki ang epekto ng isang Manny Pacquiao kung bakit tinahak ng mga ito ang pagbo-boksing at katulad niya ang mga ito na lumalaban para maiahon ang pamilya sa kahirapan.

Kasabay ng kanilang mga laban ay ang pagbitbit ng bandila patungo sa bagong henerasyon na siyang magsisilbing inspirasyon.

Sa mga parating na taon ay tiyak na mamamayagpag ang mga ito sa kanilang bawat dibisyon dahil sila ay puno ng determinasyon at pag-asa.

Sports

SUBSCRIBE TO PINAS USA — THE FILIPINO’S GLOBAL NEWSPAPER

To receive a digital copy of new PINAS USA issues, enter your name and email address below and click on the Subscribe button.

Latest News

Bakuna kontra COVID-19, nandito na
Quincy Joel V. Cahilig 1 month ago
Pagsumite ng authentication ng mga dokumento sa DFA, maari na sa online
Vic Tahud 1 month ago
Catching up with Ms. Lorli Villanueva
Editorial Team 1 month ago
Taiwan, maaaring sakupin ng China sa susunod na 6 na taon
Kriztell Austria 1 month ago
Pangalagaan at palakasin ang iyong isipan at mentalidad
Jane Trinidad 1 month ago
Optismitikong partner sa buhay, nakatutulong sa kalusugan ng katipan
Jonnalyn Cortez 1 month ago
Pangungutang ng ABS-CBN sa DBP, pasok sa plunder law — Rep. Defensor
Vhal Divinagracia 1 month ago
From exile to the halls of power
Perry Diaz 1 month ago
Misamis Oriental, nakatanggap ng 2-M ayuda para sa mga apektado ng ASF
Vic Tahud 1 month ago
TV host Piers Morgan, tuluyan nang umalis sa Good Morning Britain
Claire Hecita 1 month ago
The Absolute Glorification (Part 6)
Pastor Apollo C. Quiboloy 1 month ago
Yuka Saso, itinanghal bilang Athlete of the Year
Luis James 1 month ago

Thoughts? Add a comment below

Footer

PINAS USA - The Filipino's Global Newspaper
Address: 14533 Vanowen St., Suite B, Van Nuys, CA 91405
Phone: (909) 534-5465
Email: [email protected]

Quick Links

  • About Pinas USA
  • Advertise with Us
  • Digital Archive
  • Contact Us
  • Terms of Use and Privacy Policy

News Categories

  • Cover Stories
  • Feature
  • Fil-Am News
  • Foreign
  • Fun Page
  • Health
  • Lifestyle
  • National
  • Opinion
  • Showbiz
  • Sonspeak
  • Sports

News Archives

  • March 2021
  • February 2021
  • January 2021
  • December 2020
  • November 2020
  • October 2020
  • September 2020
  • March 2020
  • February 2020

Tags

2021 Budget Anti-Terrorism COVID-19 CPP-NPA-NDF DENR Department of Agriculture Disaster Response DOH DOJ DOLE Donald Trump DOT DOTr DPWH DSWD DTI Dubai Duterte Administration Economy FDA Good Vibes IATF Japan Joe Biden Leni Robredo LGU LTO Metro News NAIA NBA NDRRMC OFW PBA PhilHealth Philippines Tourism PNP Provincial News PRRD South China Sulu Twin Bombings Technology Thailand United Kingdom West Philippine Sea WHO

Copyright © 2021 · Pinas USA — The Filipino's Global Newspaper · All Rights Reserved · Website Developed by NorthZen Media