PINALAGAN ng Palasyo ang assessment ng US-based company na Bloomberg kung saan halos nasa buntot na ang Pilipinas sa ranking ng COVID resilience.
Ayon kay Presidential Spokesman Harry Roque maayos at epektibo aniyang tinutugunan ng pamahalaan ang pandemya.
Base sa ranked ng Bloomberg, pang-46 ang Pilipinas sa 53 bansa. Ito ay nakabase sa 10 key metrics, kasama na rito ang pagtaas sa mga kaso, healthcare system capacity, lockdown impact, community mobility, mortality rate, at vaccine supply deals.
Sa kabilang banda ay ipinagmamalaki naman ni Roque ang hakbang ng pamahalaan na nagresulta sa mababang mortality rate sa coronavirus at small percentage ng severe at critical cases.
Ani Roque, ang report ng Bloomberg ay tila hindi accurate sa aktwal na nangyayari, dahil maayos aniya na natutugunan ng bansa ang COVID-19 pandemic.
Lahat umano ng hakbang ay ginagawa ng gobyerno para maayos na maprotektahan ang kapakanan ng mamamayang Pilipino lalo na ang pagkakaroon ng supply ng bakuna kontra COVID-19 bilang solusyon sa pandemyang COVID-19.