Pumanaw na sa edad na 60 si World Soccer Great Diego Armando Maradona matapos itong atakihin sa puso sa kanyang tirahan sa Buenos Aires.
Si Maradona ay kilala bilang isa sa most gifted soccer players sa kasaysayan sa larangan ng kanyang sports at nagsimula itong sumikat matapos niyang pangunahan ang Argentina upang ipanalo ang World Cup noong 1986.
Ang soccer genius ang responsable sa pagkapanalo ng Argentina sa World Cup matapos itong maka-iskor ng dalawang pamosong goals sa isang laro laban sa England sa quarter finals.
Si Maradona ay isa ring rags-to-riches personality sa kanyang bansa na may matinding pagmamahal sa soccer ay naging iconic status din gaya ng kanyang kababayang Argentine na sina Che Guevara at Evita Peron.