Nabahala ang zoo keeper nang makapansin ito ng mild respiratory symptoms sa tatlong labing-anim na taong leon at isang apat na taong leon.
Lalo namang lumabas ang mga sintomas ng mga ito nang mapag-alamang nagpositibo rin sa COVID-19 ang dalawang zoo keepers.
Ayon sa Catalan Animal Park, sumailalim sa test ang mga leon sa pamamagitan ng viral antigen detection kit kung saan nakumpirma nga na positibo ito sa naturang virus.
Samantala, agad namang ginamot ng zoo ang mga leon gamit ang anti-inflammatories.
Sa kabilang banda, upang maiwasan ang pagkalat ng COVID-19, ang mga keepers ay nagsuot na ng FFP3 masks, plexiglass visors at protective footwear.