Pasok sa “Top 10 Best Islands in Asia” ng isang international magazine ang apat na lugar sa Pilipinas.
Sa Conde Nast Traveler’s (CNT) 2020 Readers’ Choice Awards, itinanghal ang Cebu at Visayas Islands na Top Island in Asia.
Bukod dito, pasok din sa listahan ang Palawan na nasa ika-apat na pwesto; ang Siargao na nasa ikalimang pwesto at ang Boracay na nasa ika-anim na pwesto.
Dahil dito, ang Pilipinas ang nakakuha ng maraming slots sa ranking ng prestihiyosong international travel magazine.
Ayon kay Tourism Secretary Bernadette Romula-Puyat, malaking tulong sa kumpiyansa ng gobyerno ang pagkilala ng travel magazine habang inilalatag ang mga estratehiya sa unti-unting pagbubukas ng domestic tourism at pagtanggap sa mga dayuhang turista.
Noong nakaraang Conde Nast ranking, nakakuha ang Pilipinas ng tatlong pwesto sa Asia’s Top Islands kung saan No. 1 ang Boracay, ikalawa ang Cebu at Visayas at ika-apat ang Palawan.