LAYUNIN ng Anti-Terrorism Act of 2020 ay upang sugpuin ang lumalaganap na terorismo sa bansa.
Ito ang nakikitang anggulo ni Philippine Permanent Mission to the United Nations Ambassador Evan Garcia.
Sa naging forum sa Geneva kamakailan, sinabi ni Garcia sa harap ng tatlumpu’t siyam na embahada at dalawang daang partisipante na maingat ang pagkagawa ng batas at hindi lang ito basta-bastang binalangkas.
Pinuri naman ni United Nations Senior Human Rights Adviser Signe Poulsen ang naging paglilinaw at pagbahagi ni Garcia sa deskripsyon ng Anti-Terror Act.
Aniya, malakas na basehan ang nasabing batas para tugisin ang mga sangkot ng terorismo gaya nalang sa nangyari sa Marawi noong 2017 at sa Jolo twin bombing.