Maraming pagkain ang natatapon sa buong mundo dahil sa maling paggamit ng “use by” at “best before” na nakalagay sa mga pabalat nito. Matapos ang araw ng Stop Food Waste Day, na pinasisimulan ang pagbabago ukol sa pandaigdigang isyu sa pagtatapon ng pagkain, ating alamin ang tamang paggamit ng mga paalalang ito upang maiwasan ang pagaaksaya.
“Date labeling has, and continues to be, a confusing issue for consumers,” paglalahad ni Jamie Crummie, co-founder ng Too Good To Go.
“This uncertainty leads to food waste on a large scale across society — with 10 percent of all food waste in Europe attributed to date labeling confusion,” dagdag pa nito.
Tamang paggamit ng use by
Madalas mong makikita ang mga katagang “use by” at “sell by” na may kasunod na petsa sa mga pagkain na mula sa grocery, supermarket, at iba pa. Pero alam mo ba ang pagkakaiba nito?
Ang “use by” ay indikasyon kung hanggang kailan ligtas kainin ang pagkain. Ang “sell by” naman ay kung hanggang kailan maganda ang kalidad ng pagkain.
Ayon sa Food and Drink Federation, kailangan nakadeklara sa mga pabalat ng pagkain ang mga “use by” dates nito upang malaman kung hanggang kailan ligtas itong kainin at kung kailan maaaring makasasama na ito sa kalusugan.
Matapos ang nakasaad na petsa sa “use by”, ibig sabihin lang nito, hindi na ito ligtas kainin at labag na sa batas ibenta.
Ano ang ibig sabihin ng best before?
Sa kabilang dako, ang ibig sabihin ng “best before” ay kung hanggang kailan kayang mapanatilian ng pakain ang magandang kalidad nito. Matapos nito, maaari pa rin itong kainin, ngunit wala na ito sa pinakamainam na kondisyon.
Paano mo malalaman kung hanggang kailan ito pwede? Sa kung paano mo nakikita ang kondisyon ng pagkain. Kung may iba na itong amoy, texture at itsura, malamang ay sira na ito.
Ngunit, kung ayos pa naman ang lahat ng nabanggit sa kabila ng pagtatapos ng “best before” date, maaari pa itong kainin.
“Best before date can be used as a guide, as opposed to a restriction,” paliwanag ni Iain Haysom, senior lecturer ukol sa kaligtasan sa pagkain sa Bath Spa University.
“For example, your biscuit may be slightly stale beyond the best before date but it will be safe to eat!” dagdag pa niya.