Isa ang Japanese Water Therapy sa mga popular na termino sa larangan ng pangkalusugan. Na ayon sa mga eksperto ay magandang gawin para sa ating katawan.
Ano nga ba ang Japanese Water Therapy? Marahil ay bago lang ito sa inyong pandinig, pero matagal na rin natin itong ginagawa. Subalit, may tamang paraan ang water therapy ayon sa mga Hapon.
Ang Japanese Water Therapy ay ang pag-inom ng tubig pagkagising sa umaga. Bawat isang baso ay may dami ng tubig na 160-200 milliliters. Isa ito sa popular na gawain ng mga Hapon sapagkat naniniwala sila na may magandang maidudulot ito sa katawan.
Narito ang ilan sa mga kailangang hakbang na dapat sundin at gawin:
1. Uminom ng maligamgam na tubig 4-5 glasses ng tubig na may sukat na 3/4 cup o 60ml pagkagising sa umaga.
2. Gawin din ito bago magsipilyo ng iyong mga ngipin, at maghintay ng 45 minuto bago kumain ng agahan.
3. Sa bawat pagkain, kumain lamang ng hindi lalampas sa 15 minuto.
4. Maghintay ng 2 oras bago kumain o uminom ulit.
Ayon sa pag-aaral ng Japanese Medical Society, nakatutulong ang naturang therapy sa mga sumusunod:
- body ache
- headache
- heart problems
- arthritis
- fast heart beat
- epilepsy
- obesity
- bronchitis asthma
- meningitis
- gastritis
- diarrhea
Tunay ngang maraming magandang dulot ng therapy na ito sa ating katawan. Pero hindi pa rin dapat na gawin itong gamot sa anumang uri ng karamdaman. Tandaan na mas mainam pa rin na kumonsulta muna sa iyong doktor lalo na kung may nararamdaman kang abnormal sa iyong katawan.