Nauwi na sa hiwalayan ang relasyon nina Andre Brouillete at Lou Yanong na nabuo sa loob ng Bahay ni Kuya.
Magugunita na kapwa PBB housemates ang dalawa at nagkamabutihan.
Pero sa recent instagram post ni Andre, pormal nitong inanunsyo na hiwalay na sila ni Lou at pareho nilang sinangayunan ito.
Sa twitter post naman Lou sinabi nito na “we still care deeply about each other and that’s what matters.”
Samantala, umaasa naman ang lahat ng fans sa 2nd anniversary ng dalawa ngayong darating na March pero tuluyan na nga natapos ang tambalang LouDre sa totoong buhay.