Ipinanawagan ng mga eksperto ang all out smoking ban sa mga condominium sa Thailand.
Sa isang seminar na isinagawa sa Bangkok, ipinanawagan ng mga ito na dapat magpatupad ng all out smoking ban sa mga condominium upang maprotektahan ang mga non-smoker sa lugar.
Ayon kay Paisan Limsathit, miyembro ng Thammasat University Health Laws and Ethics Center, ang mga residential building ay dapat maging smoke free upang maiwasan ang epekto ng passive smoking.
Sa kasalukuyang non-smoking law ng Thailand, hindi nakalagay rito ang pag-ban sa paninigarilyo sa mga residential building gaya ng condominium, hotel at dormitories dahil ang nakasaad lamang rito ay pampublikong lugar, mga lobby at mga pasilyo.
Ang seminar naman na ito ay inorganisa ng National Health Foundation kung saan pinag-usapan ang isinagawang research ng Thamassat University sa paninigarilyo sa mga closed residential buildings na isinagawa naman noong Setyembre hanggang Oktubre ngayong taon.
Sa survey na isinagawa ng unibersidad lumabas na labing limang porsyento ng isang libo dalawang daan at apat na katao ay smoker at apatnapu’t limang porsyento mula rito ay nagsabing nasisiyahan sila sa paninigarilyo sa kanilang mga balkonahe.
Lumabas din sa isang pag-aaral sa Amerika na ang pagpapatupad ng smoking ban sa mga condominium ay makatutulong upang makatipid ng maintenance costs ang mga mamamayan na nagkakahalaga ng 153 milyong dolyar o halos limang milyong baht.