Ang Pasko ay ang isa sa mga okasyon na pinakahihintay ng bawat Pilipino dahil ito ay nagbibigay ng pagkakataong makasama ang ating mga mahal sa buhay. Ito rin ang panahon ng pagbibigayan ng regalo — materyal man o pera. Anu’t-ano pa man, ang kasalukuyang kinakaharap nating pandemya ngayon ay nakakatulong upang pahalagahan ang ating mga mahal sa buhay. Kung ikaw ay naghahanap ng regalo na makakatulong sa iyong mahal sa buhay ngayong pandemic, narito ang ilan sa mga ito:
1. Mask Spray – ito ay nakakatulong mag disinfect at madeodorize ang isang mask sa loob lamang ng 10 segundo. Dahil sa essential oils gaya ng myrrh, peppermint at rosemary ito rin ay sinasabing nakakatulong ma-prevent ang pagkakaroon ng bronchial tubes related diseases.
2. Alcohol – mukhang nakakatawa man isipin, pero sa panahon ngayon aminin man natin o hindi, malaki talaga ang maitutulong nito. Ibang klaseng alcohol man, di maipagkakaila na mapapasaya mo na sa regalong ito ang iyong mga Tito o Tita. Dahil alam nila na ikaw ay concern din sa kanilang kalusugan.
3. Portable UV Sterilizer- Para sa isang metikulosong nanay ngayong pandemic, and regalong ito ay swak na swak sa kanya. Ang sterilizer na ito ay makakapatay ng 99.99% germs kung isa-sanitize mo ito sa loob ng 10-15 segundo.
4. UV Disinfection Box – Siguradong magugustuhan ito ng iyong reregaluhan dahil bukod sa disinfection, ito rin ay portable. Ang box na ito ay nakakatulong makaalis ng germs na nanggaling sa mga headphones, relo, alahas, hearing aids, toothbrushes, laruan, baby bottles, at iba pa.
5. UV Room Light – Ang bagay na ito ay hindi space consuming lalo pa kung ang iyong kwarto ay hindi ganun kalakihan. Sinasabing ito ay nakakatulong makapatay ng germs hanggang 99.99% at hindi hassle dahil may kasama na itong remote control at nag o-automatic shut off.
Ang mga nabanggit ay suhestiyon na makakatulong sa iyo at sa iyong mahal sa buhay. Laging tandaan na sa panahon ng pandemya, ang kalusugan at kaligtasan ng bawat isa ang ating main focus.