Ipinagdiwang ni Queen of Comedy Ai Ai Delas Alas kamakailan ang kanyang kaarawan sa pamamagitan ng pamamahagi ng tulong sa isang charity home sa Tondo Maynila.
Kasama ni Ai Ai ang asawa at anak na nagtungo sa Missionaries of Charity Home of Joy sa Tondo, Manila.
Namahagi sila ng pagkain, gatas, at lampin para sa mga bata at matatanda na inabandona ng kanilang mga pamilya.
Ayon kay Ai-Ai mayroon lamang siyang tatlong hiling ngayong kaarawan niya.
Una, mawala na ang pandemic.
Pangalawa, wala nang dumating pa na bagyo sa bansa.
At ang pangatlo ay huwag nang tanungin ang kanyang edad dahil aniya napako na ito sa 45.
Gayunpaman, masaya si Ai-Ai sa kanyang kaarawan dahil nakatulong siya sa mga bata na lubos na nangangailangan.