NAKIPAGSANIB-PWERSA na ang Armed Forces of the Philippines sa social media giant na Facebook upang matuldukan ang paggamit ng mga terorista ng Internet upang palaganapin ang kanilang mga layunin.
Sa isinagawang Global Internet Forum to Counter Terrorism kamakailan, tiniyak ng Facebook Philippines ang pakiki-isa nito sa gobyerno upang pigilan na ang pang-aabuso ng mga terorista gamit ang digital platforms.
Labis naman na ikinatuwa ng AFP ang hakbang na ito ng Facebook at pinasalamatan ang kumpanya sa pakikipagtulungan nito sa pamahalaan para sa kapakanan ng sambayanan.
Pinuri rin nito ang ginagawang ‘self-regulation platform’ ng kumpanya para mapigilan ang pagkalat ng terrorist propaganda kabilang na ang pag-censor ng mga larawan at video ng karahasan.
Umaasa naman ang AFP na magtutuloy-tuloy ang pagkakaroon nito ng aktibong pakikipagtulungan sa mga social media sites upang matuldukan na ang paglaganap ng violent extremism nang hindi na isa-alang alang ang kalayaan at karapatan ng mga social media user.