Walo sa sampung Pilipino ang kontento sa pagtugon ng administrasyong Duterte sa COVID-19 pandemic batay sa resulta ng Pulse Asia survey.
84 porsyento ng mga Pilipino ang may “positive opinion” sa naging trabaho ng administrasyon upang mapigilan ang pagkalat ng COVID-19 at mabigyan ng tulong ang mga nawalan ng trabaho dahil sa pandemya.
Nasa 10 porsyento naman ng mga respondent ang neutral sa aksyon ng gobyerno habang anim na porsyento ang hindi aprubado sa pagganap ng administrasyon.
Isinagawa ang survey noong Setyembre 14 hanggang 20 sa 1,200 representative adults.
Ang survey ay kasunod ng poll results kung saan nakakuha si Pangulong Rodrigo Roa Duterte ng 91-porsyento approval rating sa gitna ng health crisis.