Umaasa ang walo sa sampung Pilipino na magkakaroon na ng bakuna kontra COVID-19 sa susunod na taon.
Ito ay ayon sa survey ng Social Weather Stations (SWS) kung saan nasa 80 percent ng mga Pilipino ang nagsabing umaasa sila na magkakaroon na ng bakuna sa COVID-19 sa susunod na 12 buwan. Habang nasa 17 percent ang naniniwalang hindi pa ito mangyayari.
Nasa 80 porsyento naman ang positibong magkakaroon na ng gamot para sa coronavirus sa susunod na taon at 17 percent ang nagsasabing hindi.
Mataas ang naitalang expectation sa Metro Manila na may 82 percent kasunod ang Luzon, Visayas at Mindanao na may tig-79 percent.
Isinagawa ang survey mula Setyembre 17 hanggang 20 sa 1,249 adult Filipinos.