NANAWAGAN si Barangay Health Workers o BHW Partylist Rep. Angelica Natasha Co sa Inter-Agency Task Force, Department of Health at Department of Science and Technology na gumawa ng 5-year vaccination plan kontra COVID-19.
Aniya, dapat tutukan sa vaccination plan na ito ang mga major pandemic epicenters gaya ng Metro Manila, Metro Cebu, Metro Davao at iba pa.
Ayon kay Co, mas mainam na unahin sa pagbibigay ng bakuna ang nabanggit na urban areas dahil nandoon ang pinakamaraming kaso ng COVID.
“If we would never have enough funds to vaccinate 109 million Filipinos in 2021 and 2022, we may have to focus on the millions of residents of these urban areas.”
Bukod pa dito, ito rin ang mainam na gawin ngayong limitado pa ang mga pagkukunang pondo ng bansa laban sa pandemya.
Giit ng kongresista na dapat mabakunahan ang lahat ng Pilipino subalit hindi ito agad maisasagawa sa loob ng isa o dalawang taon kaya dapat pangalanan ang mga lugar na maunang mabakunahan.