Umabot na sa 300,000 Overseas Filipino Workers (OFWs) ang naiuwi na sa bansa at nakabalik na sa kani-kanilang mga probinsya simula noong buwan ng Mayo nang maapektuhan ang mga ito sa COVID-19 pandemic
Sinabi ni Overseas Workers Welfare Administration (OWWA) Administrator Hans Cacdac, kabilang sa mga OFW ay mga natulungan ng ahensya na makauwi at may iilang kusang umuwi matapos manalasa ang pandemya.
Inaasahan naman ang karagdagang 70,000 hanggang 80,000 OFW ang maiuwi bago matapos ang taong ito.
Dagdag pa ni Cacdac, maaaring tataas pa ang bilang ng mga uuwing OFW sa panahon ng kapaskuhan dahil maraming mga OFW ang nais na ipagdiwang ang kanilang holiday sa Pilipinas.