IPINAHAYAG ng Resort Island ng Phuket na magpapatuloy ang Phuket Vegetarian Festival ngayong taon sa kabila ng panganib na dala ng COVID-19.
Ayon kay Phuket Governor Narong Woonciew, magsisimula ang festival sa ika-labimpito ng Oktubre at magtatapos sa ika-dalawampu’t lima ng naturang buwan.
Aniya, mahigpit nitong ipapatupad ang social distancing measures at pagsusuot ng face mask upang maiwasan ang pagkalat ng COVID-19 virus at ang sinumang lalabag rito ay papalayasin sa lugar na pagdarausan ng nasabing festival.
Ang pagbubukas ng festival ang naisip nitong paraan upang muling iangat ang ekonomiya dahil malaki ang nawala sa kita nito simula nang wala ng turista na bumibista sa isla dahil sa pandemya.
Matatandaang libu-libong partisipante ang dumadayo sa Phuket para makilahok sa makulay na festival na ito na isa sa pinakasikat na pagdiriwang sa bansa.