Inanunsyo ng Department of Public Works and Highways (DPWH) na nakumpleto na ang dalawang COVID-19 facilities sa Iloilo City.
Ayon kay DPWH Secretary at Isolation Czar Mark Villar, ang mga COVID-19 facilities sa Barangay Sooc, Arevalo District sa Iloilo City ay mayroong quarantine facility para sa coronavirus patients ng syudad at isang nakabukod na off-site dormitory para sa mga medical personnel.
Ang quarantine facility ay mayroong 16- air-conditioned rooms, at bawat isa ay mayroong isang kama at sariling comfort room na maaaring mag-accommodate ng nasa 16 coronavirus patients. Mayroon ring nurse station, male at female nurse quarters at sanitation area.
Ganun din ang off-site dormitory na mayroong 16 air-conditioned rooms, na may dalawang kama at sariling comfort room at maaaring mag-accommodate ng nasa 32 medical frontliners sa lungsod.
Ayon sa DPWH na magdadagdag pa ito ng lima pang COVID-19 facilities sa Iloilo City at probinsya ng Iloilo.