Tumanggap ang mga empleyado ng Makati City Hall ng 10,000 face masks at face shield mula sa Makati local government.
Ayon kay Mayor Abigail “Abby” Binay na kabilang sa mga tumanggap ang mga regular, casual, contractual, at job order employees ng city hall.
Sinabi pa ng alkalde na ang bawat empleyado ay nakatanggap ng tig dalawang face masks at tig isang face shield na magagamit nila bilang karagdagang proteksyon kontra COVID-19.
Ani Binay, ang naturang mga gamit ay mahalaga sa nagpapatuloy na pagkalat ng virus.
Ang hakbang na ito ay kabilang sa implementasyon ng mga bagong istratehiya sa pagtitiyak na nabibigyan ng maayos na sirbisyong pangkalusugan ang mga empleyado at ang higit sa 500,000 na mga residente simula pa man sa pagpasok ng pandemya sa bansa.
Dagdag pa dito, noong buwan ng Agosto ay nakatanggap din ng libreng bakuna sa flu at pneumonia ang lahat ng empleyado ng city hall para lumakas ang kanilang resistensiya.
Nagbigay din ang local government ng libreng vitamin C at B complex at iba pa para sa mga personnel na pumapasok sa trabaho.